Replying to @QueenRhee edit : Naisip ko rin while watching this before ko upload na siguro people will say bakit "butter" eh hindi rin healthy yun pero naisip ko rin na madalas naman kayo manuod ng cooking vlog ko and alam nyo naman na margarine ginagamit ko hindi butter so I didn't bother to add, kaya lang may nakapansin pa rin. Hahaha so guys, margarine po yan hindi butter hehe. ☺️
I understand that the hardest night for a person is the first night in the grave. However, I am not here out of worry. I am confident that, due to your faith in Allah, your first night was peaceful. I am here to rest. I tried to sleep at home, but our house doesn't feel like home without you. I know you said "don't cry" the night before you go, but just like I tend to cry more when you console me, I will shed a few more tears today, tomorrow, and every time I think of you until I can smile again when I think of you. 🥺🤍
I will live a good life so I can meet you in Jannah. Inna Lillahi wa inna ilayhi raji'un, to Allah we belong and to Allah we shall return. This is not goodbye, just farewell for now. Mahal na mahal kita, hanggang sa muli bhabe. It was a good fight, because we are fighting together. ♥️
Missing you a little extra today. 🥺 Hindi pa rin ako nakakatulog, iniisip pa rin kita. Pinagdadasal kita palagi. Kahit gaano ko pilitin na maging ok, sobrang sakit pa rin. 💔🙏🏼
Kumusta ka aking mahal? Sana ay nasa mabuti ka. Ako'y wag mong intindihin, nakakaraos din. Mga gabing mapanglaw ay dinadaan sa awitin. Nalulungkot kong damdamin, naaliw na rin. Panaginip ko'y laging ikaw, sinta. Kahit na dilat yaring mata. Kahit na malayo ka'y para rin kapiling ka. 🤍
Nakakatouched yung mga kinukumusta rin ako sa gitna ng kalagayan ni Freddie. Hindi ko kayo maisa-isa replayan pero wag kayo mag alala ok lang ako, always finding courage in the face of fear. 🙏🏼 Ang daming nangyayari this week, maraming nakakaiyak na moments pero hindi pa tayo pwedeng maging mahina. Kailangan ko palaging maging malakas para mabantayan ko sya oras-oras. Ang priority natin ngayon ay ang kalagayan ni Freddie, pasensya na kayo na wala akong mabigay na detailed info sa inyo kasi pang-pamilya at malalapit na kaibigan lang muna ito. Basta ang masisigurado ko lang sa inyo, he's in good hands and he's getting all the medications he needs. Alam ko po na maraming nag aalala sa inyo. Naiintindihan ko po ang curiosity nyo sa kung anong nangyayari, pero yung mga nashare ko lang po sa inyo ang gustong ipa-share ni Freddie sa ngayon. Mag pray lang po tayo. Magiging maayos din ang lahat. 🙏🏼 To my dearest close friends, don't worry about me. Magpapahinga tayo pag pagod na tapos lalaban ulit. 🤍
Minsan talaga hindi ikaw yung pipili sa kanila eh, sila yung pipili sayo. 🥺 Napakarami nang nagbago "chow" pwede mo nang kalimutan yung mga pangit mong nakaraan. 🤍
One day at a time they said.🥹 Salamat Wooof Gang Fairview hinigitan nyo ang expectations ko. Nasanay nako na pag gino-groom sila sa labas hindi nalilinis lahat at palagi kong iniintindi kasi alam kong mahirap talaga e-handle ang mga chow chow, pero hindi nyo pinabayaan ang mga anak kong umuwi na hindi malinis lahat ng parte ng katawan. 🥹 Thank you ng sobra sobra! 🙏🏼🤍
Napipicture kitang masayang nakikipagkwentuhan sa mga bagong kaibigan mo dyan at naririnig ko yung boses mo na sinasabing "Excuse lang tol, andyan na si Misis". 🥺 Siguro kasi ganon ka talaga eh, kahit na sinong kausap mo pag nakita mo ako titigil ang usapan nyo para batiin mo ako. 🥹 May mga bago akong natutunan sa mga kapatid na Muslim bhabe. Pwede pala kitang basahan ng Quran at diligan. Bukas magdadala ako mas maraming tubig. 🙏🏼
Perhaps the reason you wanted to hold my hand at that time instead of me holding yours para di ka nahihirapan was because you knew I wouldn’t let go, but you had to. Palagi mong sinasabi sa akin na "KAHIT ANONG GAWIN NATIN WALA TAYONG MAGAGAWA SA ORAS". Ngayon, naiintindihan ko na. 🥹 We may have run out of time, but thank you for spending your remaining moments holding my hand, kissing me, and telling me how much you love me. 🤍 Thankful that until your final moments, you kept repeating LA ILLAHA ILLALAH. It gives me comfort knowing that wherever you are now, you are at peace. 🙏🏼
Ang dali-daling sabihin para sa iba na "mag move on ka na" or "mag asawa ka na lang ulit". Pero hindi nila alam yung hirap, yung bigat, yung sakit, yung hinanakit na maiwan ka mag isa. Hindi nila alam yung hirap mawalan ng katuwang sa buhay. 16 pa lang ako nung naging asawa ko si Freddie, halos buong buhay ko umikot sa kanya. Paano ka magmomove on sa taong hinubog at binuo ka? Paano mo kakalimutan yung taong pinanindigan ang salitang "IPAGLALABAN KO"? Araw araw pag gising ko pinipilit kong bumangon, pinipilit ngumiti at sinusubukan manumbalik yung sigla na dating meron, pero gabi-gabi rin akong binabalot ng kalungkutan. Naalala ko pa sa hospital lagi kong sinasabi sa kanya "AKO ANG BAHALA SAYO" - "AALAGAAN KITA" - "UUWI TAYO NG MAGKASAMA" nagvivideo ako araw araw at nagpipicture sa hospital kasi gusto ko one day masabi ko na "WE MADE IT" pero lumabas ako sa hospital nang wala sya at lumuluha. Sino bang ayaw umusad? Sinong ayaw bumangon sa pagkakalugmok? Sinong ayaw makalimot ng sakit? Lahat tayo hangad na maka-move on na lahat ng taong may mabigat na dinadala sa dibdib. Pero hayaan natin sila, bigyan natin sila ng oras. Hintayin nating matutunan nilang magpatuloy sa buhay na dala-dala yung sakit kasi walang nakakalimot sa sakit ng mawalan ng minamahal sa buhay lalo na at alam mong kahit ibuwis mo ang sarili mong buhay, hindi na sila babalik pa. 😢 Dito lang ako, malulungkot, iiyak, maghihinagpis at sasaya pag gusto ko. Dadating din ang araw, matutunan kong mabuhay kasama ang sakit ng pagkawala nya. Sa ngayon, gusto ko lang munang magpadala sa agos ng buhay, hanggang kaya ko nang labanan pabalik sa kasiyahan. 🙏🏼
Pasensya ka na kung madalas akong dumalaw. Dito lang kasi ako hindi naiiyak. Pag nasa bahay, wala nang ginawa ang luha ko kundi pumatak. 🥺 Nagpapakatatag naman ako araw araw bhabe, at alam mo namang matibay ako pero ikaw ang laging kahinaan ko. 😔
We are all capable of being toxic, but some people have the desire to be educated on it and do better while others will ignore accountability and continue to act the same way. 🤷🏻♀️
Kagabi habang nakahiga at nakatulala, sabi ko sa sarili ko "Ok lang na magpakatotoo ka sa nararamdaman mo" tapos bigla kong naramdaman yung kirot sa dibdib ko na parang kuryente na dumederetso pababa sa sikmura, papunta sa likod ko. Hanggang hindi ko na namamalayan ang pag iyak ng todo. Gusto ko rin sabihin sa sarili ko na "Tama na, tahan na, magiging ok din ang lahat" pero hindi - nagpadala ako sa emosyon, iniiyak ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko, hanggang makatulugan ko na. Ayoko nang sabihin sa sarili ko na kelangan ko nang maging ok dahil takot akong harapin yung sakit ng pagkawala ni Freddie. Alam kong mas ok yung araw araw kong pipilitin bumangon at magpatuloy, dahil sigurado akong yun din naman ang gusto nya, pero ngayon narealized kong ok lang din naman na manghina ulit at umiyak. May mga araw na masaya akong pinapanood ang mga ala-ala naming dalawa at may mga araw din naman na puro luha ang kasabay ng aming tawanan. May araw na magaan at may araw na mabigat. Alam ko na hindi matatapos ang sakit, sabi nga nila wala naman talagang nakakamove-on sa pagkawala ng mga taong mahal natin sa buhay, natututunan lang nating mabuhay kasama yung sakit. Alam kong hindi na manunumbalik yung dating ako. Pero along the way alam kong may matutunan akong bagong pagkatao na magpapatuloy ng buhay ko. Iniwan ako ni Freddie na matatag na pero patuloy pa rin patatatagin ng panahon. 🙏🏼🤍